Isinagawa ang Ceremonial Destruction of Confiscated Firecrackers and Pyrotechnics ng South Cotabato Police Provincial Police Office sa harap ng SCPPO Building, Barangay Morales, Koronadal City, South Cotabato nito lamang ika-31 ng Disyembre 2024.
Pinangunahan ang naturang seremonya ng mga tauhan ng South Cotabato Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Samuel T Cadungon, Provincial Director.
Dumalo din si Police Lieutenant Colonel Jeody Lito Guisinga, Deputy Chief ng Regional Community Affairs, PRO12, mga personahe ng Bureau of Fire Protection, South Cotabato Provincial Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit at mga miyembro ng South Cotabato Press Corps.
Nakumpiska at sinira ang mahigit 1,593 na mga ipinagbabawal na firecrackers at 98 na improvised PVC cannons o kilala sa tawag na boga.
Ang ganitong hakbang ay may layuning maiwasan ang mga aksidente dulot ng mga ipinagbabawal na paputok at maidaos ang bagong taong nang ligtas.
Taon-taon, libo-libong indibidwal lalong-lalo na ang mga kabataan ang napipinsala ng mga ilegal na paputok kaya ang ating kapulisan ay nagpapatupad ng mga proactive measures upang ito ay maiwasan.