Masugid na nilahukan ng mga tauhan ng Cebu City Police Office ang paglulunsad ng 14th Cebu City Wide Clean-up Challenge umaga noong Sabado, Disyembre 9, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Cebu City sa pamumuno Hon. Michael Lopez Rama katuwang ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups at mga pribadong organisasyon at sektor.

Bahagi ang aktibidad ng pakikiisa ng pamahalaan ng lungsod sa pagdiriwang ng International Clean-up Day na may layunin na imulat at hikayatin ang publiko sa pagsusulong ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran para sa kalusagan, kaligtasan, at kapakanan ng mamamayan.