Nagsagawa ng Community Outreach Program at PNP Serbisyo Caravan ang Cebu City PNP sa Araw ng Kagitingan na ginanap sa Freedom Park, Cebu City, noong ika-9 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Police Station 5 katuwang ang City Community Affairs and Development Unit, mga Police Stations ng Cebu City Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director, Regional Medical and Dental Unit 7, Cebu City Local Government Unit, Cebu2World Megawide, STK ta Bay, VLM Agency, Rotary Club at SSS.

Naghandog ng food packs at tubig, lugaw, libreng gupit, libreng medical check-up, offsite police clearance, SSS on Wheels, at Zumbarracks sa nasabing aktibidad.
Nagkaroon din ng programa at singing contest bilang pagpupugay sa ating mga kapulisan na kung saan ang nanalong mang-aawit ay nag-uwi ng Php5,000.

Ang naturang aktibidad ay may koneksyon sa Bagong Pilipinas sa barangay kaugnay sa Araw ng Kagitingan.
Layunin ng Cebu City PNP katuwang ang iba pang grupo na kasapi sa aktibidad na suportahan ang programang isinusulong ng pamahalaan na naglalayong mapagtibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan, partikular sa paghahatid ng serbisyo sa komunidad para sa isang maayos at maunlad na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Grace P Coligado