Cagayan de Oro City – Pinangunahan ng Cagayan de Oro City PNP ang Coastal Clean-up Drive sa Coastal Road, Cagayan de Oro City nito lamang Sabado, Oktubre 29, 2022.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City katuwang ang mga miyembro ng KUSGAN Volunteer Inc, Strong Radio 90.3, Upsilon Phi Sigma, CIS RG, Sigma Gamma, Lambda, Alpha Kappa Rho, RIO Grande Eagles Club, RIO de Oro Eagles Club, PMARS at Batch 87 Gusa.
Aktibong nakilahok din ang miyembro ng SPC Intern, DATU Baganic Eagles Club, KABALIKAT Civicom, CCW, KRK, ORIG, The Church of Jesus Christ Latter Day Saints, Liceo de Cagayan SBO Council, Karancho Lumbia, Rescueline/Proracer Mindanao, React Pineapple Group, BETAUPSIAN, BASILISKAN at Task Force Quatro.
Tulong-tulong ang nasabing grupo na linisin ang kalat at sako-sako ng basura ang nakuha.
Ang Cagayan de Oro PNP ay patuloy na sumusuporta sa anumang uri ng aktibidad na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan na nakaangkla sa isa sa mga CORE Values nitong “Maka-Kalikasan”
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10