Cagayan de Oro City – Nakiisa sa muling pagsasagawa ng “Klarex nga Serbisyo sa Baryo” ang mga miyembro ng Cagayan de Oro City Police Station sa Brgy. Dansolihan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-25 ng Pebrero 2023.
Aktibong dumalo sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan tulad ng CDO PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director, AFP Task Force Oro, Bureau of Fire Protection, City Mayor`s Office, LGU Departments at iba pang ahensya ng gobyerno.
Sa nasabing aktibidad ay namigay ng Philhealth ID Card, 25 na donated breast milk, 10 Legal Assistant, Mobile Library sa 60 na bata, walong natulungan sa Women and Children Protection Desk, 30 sa Crime Prevention Lecture, 25 sa Police Assistance Desk, 35 sa mga pre-loved clothes, 40 ang nabigyan ng gulay, 12 libreng food packs, 80 na libreng tsinelas, 100 na mga Vitamins at 50 na Modern Family Planning Booklet.
Samantala, 17 na pares ang benepisyaro ng libreng kasalan ng bayan at namigay din ng libreng seedlings; libreng konsultation sa mga usaping lupa; libreng masahe; libreng tuli; libreng check-up; libreng bakuna; libreng medikal at dental check-up; libreng vitamins; libreng check-up sa mga alagang hayop; libreng rehistro ng National ID; Senior Citizens ID; Solo Parent ID; PWD ID; libreng rehistro para sa mga kukuha ng Board Exams at Housing Program.
Ang Cagayan de Oro PNP ay patuloy sa layuning maihatid ang tulong ng gobyerno sa mga komunidad na higit na nangangailangan upang mas lalong mapalapit ang puso at ugnayan para sa payapa at maayos na pamumuhay na magdadala sa kaunlaran.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10