Pinangunahan ni Police Colonel Edward D. Quijano, Provincial Director ng Catanduanes Police Provincial Office, ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga evacuation centers sa probinsya sa gitna ng pananalasa ng Bagyong “Kristine” upang masuri ang sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan ng lahat na inilikas na residente nito lamang Oktubre 22, 2024.
Tiniyak ni PCol Quijano ang seguridad sa lahat ng evacuation centers at kahandaan ng mga tauhan ng Catanduanes PPO na nakahandang tumulong kung kinakailangan.
Ang Catanduanes PPO ay nakikipagtulungan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) para sa iisang pagtugon sa epekto ng bagyo.
Ang mga pagsisikap na ito ay bahagi ng mas malawak na mga inisyatibo ng PNP upang mapabuti ang kanilang mga serbisyo at pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.