Navotas City – Timbog ang isang Carnapper na most wanted din ng Navotas City sa joint operation ng PNP nitong umaga ng Lunes, Mayo 2, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dexter Ollaging, Chief of Police ng Navotas CPS ang akusado na si Larry Sebastian y Aniag, 52, may asawa, at residente ng no. 963 S. Policarpio St., Brgy. San Jose, Navotas City.
Ayon kay PCol Ollaging, bandang 11:00 ng umaga naaresto si Sebastian sa No. 963 S. Policarpio St., Brgy. San Jose, Navotas City sa bisa ng Warrant of Arrest sa pinagsanib puwersa ng NDHPT, RHPU NCR, Warrant-IDMS, Sub-Station 3 ng Navotas City Police Station.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law.
Tiniyak ni PCol Ollaging na ang PNP ay di palalagpasin ang mga ganitong pangyayari at lalong paiigtingin pa ang operasyon nila sa pagtugis sa mga wanted persons.
Source: NPD PIO
###