Marawi City – Nagsagawa ng Career Symposium ang mga kapulisan ng Regional Recruitment and Selection Unit BAR sa mga estudyante ng Mindanao Institute of Technology sa Brgy. Bubong Marawi, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-20 ng Marso 2023.
Sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rudy Elandag, Officer-In-Charge ng RRSU BAR, nakapagbigay kaalaman patungkol sa PNP RSS Nameless and Faceless recruitment process, PNP C.O.R.E.S at pagkakasunod-sunod ng recruitment process para sa patrolman/patrolwoman.
Umabot sa 70 na 4th year criminology students ng nasabing paaralan ang dumalo sa naturang aktibidad.
Kasama sa nakiisa sina Professor Gonaranao Asnar U Disomangcop Jr, Dean ng College of Criminology, PCMS Wahida M Mira-ato Chief, CAD ng Marawi City Police Station, Police Captain Arnold Untulan, Acting Company Commander 1403rd RMFC, 14th RMFB, Pat Bai Reejan Tomawis, CAD PNCO ng 1403rd RMFC, RMFB14, at Faculty at Staff ng MIT.
Layunin ng aktibidad na mas mapalapit ang estudyante sa ating Pambansang Pulisya at hindi maligaw ng landas, gayundin upang bigyang ideya ang mga ito sa mga gustong pumasok bilang pulis.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz