Dolores, Eastern Samar – Nagsagawa ang 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company ng Career Advocacy Program para sa 1st Batch ng Grade 12 students/Class Alab Diwa ng Dolores National High School nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Pinangunahan ni PLt Angelyn Glou Cortado ng Police Community Affairs Section ng 1st ESPMFC ang naturang programa at nagsilbing Resource Speaker.
Ang mga paksang tinalakay ay ang pinakamahalagang probisyon ng RA 6975 na naamyendahan ng RA 8551, Core Values, Mission at Vision nang PNP, General Qualifications for the Admission as Patrolman, Requirements for the Admission to the PNPA, Salary at Benefits of PNP Personnel.
Kasama rin sa paksa ang promosyon at adbokasiya ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo na ang layunin ng nasabing aktibidad ay para hikayatin ang mga manonood na makiisa sa kilusan laban sa ilegal na droga at terorismo.
Isang bukas na forum naman ang naganap pagkatapos ng orientation.
Matagumpay namang natapos ang nasabing aktibidad kung saan ikinatuwa ng mga kabataan ang kanilang pagtitipon dahil sa natutunang aral at napatibay ang pakikipag-ugnayan sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa sector ng mga kabataan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez