Pahina Central, Cebu City – Maayos at naging makulay ang isinagawang pagbibigay ng tulong ng mga miyembro ng Carbon Police Station sa Barangay Pahina Central, Cebu City nito lamang ika-29 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay aktibong pinangunahan ng mga miyembro ng Carbon Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Major Keneth Paul Cabale Albotra, Station Commander, katuwang ang Station Advisory Council sa pangunguna ni Chairman Ryan Go kasama sina Mr. Luis Tan at Ms. Leah Mosqueda, maging ang BPSO.
Nasa mahigit 150 na mga bata ang nabiyayaan ng food packs na labis namang ipinagpasalamat ng mga ito sa mga tauhan ng Carbon PNP.
Ang ganitong gawain ay patuloy na isinusulong ng Carbon Police Station ang ipadama sa kanilang nasasakupan ang kanilang taos-pusong pagkalinga at pagmamahal sa mga ito.
Ang mga ganitong simpleng paraan ng pagkakaroon ng presensya ng kapulisan sa ating mga kababayan ay napakalaking halaga upang mas mapagtibay ang ugnayang pulisya at komunidad tungo sa mapayapa at maayos na bansa.
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista