Binigyang parangal ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang 19 PNP personnel kabilang ang isang Non-Uniformed Personnel (NUP) kasabay sa isinagawang Flag Raising Ceremony na ginanap sa Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City nito lamang Oktubre 21, 2024.
Pinangunahan ni PBGen Nazarro kasama ang iba pang miyembro ng Command Group ang pagbibigay ng Medalya ng Kadakilaan kina Police Colonel April Mark C Young, Police Major Emerson Alipit, Police Executive Master Sergeant Conrado M Sanson Jr., Police Executive Master Sergeant Jay C Gilbuena, Police Staff Sergeant Marvin Kee Lago, Police Corporal Jane Niña A Cuarto, Pat Eugine N Panganuron, Pat Ruth Monica S Sapio, at Pat Cerilo M Villanueva III sa pag-aresto kay alyas “Fran” at alyas “Mar”, mga High Value Individuals, na nakumpiskahan ng 39.7858 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php270,543.44 sa isang checkpoint sa Barangay Camagong, Nasipit, Agusan del Norte.
Pinarangalan din sina Police Colonel Edcille V Canals, Police Major John Fred A Jayo, PEMS Ryan M Corvera, PEMS Jonathan O Neis, at PEMS Ryan M Tindoy, para sa matagumpay na pagsasagawa ng Mandatory Training sa mga Police Non-Commissioned Officers ng PRO13, na humahantong sa pangkalahatang katuparan at organisasyon ng PRO13 Training Linear List.
Samantala, nakatanggap din ng Medalya ng Papuri si NUP Shamaigne P Merin para sa kanyang walang bahid na serbisyo bilang Administrative Assistant I sa loob ng apat na taon at Crime Registrar sa loob ng anim na taon sa Sta. Monica Municipal Police Station, Surigao del Norte.
“As we recognize the outstanding performances of our awardees this morning, I would also like to extend my heartfelt gratitude to every Caraganon who contributed to their success. Rest assured, they will set a benchmark for our service to the public this week,” ani RD Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin