Thursday, April 24, 2025

Call Center Agent, arestado sa buy-bust Pavia PNP sa Iloilo

Arestado ng Pavia Municipal Police Station ang isang call center agent sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Tigum, Pavia, Iloilo nito lamang ika-21 ng Abril 2025.

Kinilala ni Police Major Jose Nemias Pamplona, hepe ng Pavia PNP, ang suspek na si alyas “Martin,” 24 taong gulang, tubong Dumarao, Capiz, ngunit kasalukuyang naninirahan bilang boarder sa Barangay Cabugao Sur, Pavia, Iloilo.

Ayon kay PMaj Pamplona, si alyas “Martin” ay isa sa mga bagong tukoy na drug personality sa kanilang lugar. Inamin naman ng suspek na siya ay gumagamit ng iligal na droga, ngunit mariin niyang itinanggi na siya ay nagbebenta nito.

Narekober mula sa kanya ang anim (6) na plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu, kabilang ang buy-bust item at ang ginamit na buy-bust money na nagkakahalaga ng Php5,000. Tinatayang nasa Php102,000 halaga ang mga nasamsam na iligal na droga.

Napag-alamang nakulong na rin ang suspek noong 2018 dahil sa kasong robbery at nakalaya noong 2023.

Sasampahan ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang kampanya ng PNP ay patunay sa kanilang dedikasyon upang masugpo ang paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na droga, at labanan ang mga krimeng nag-uugat mula sa masamang epekto nito sa lipunan, tungo sa bagong Pilipinas.

Source: PRO6 RTOC

Panulat ni Pat Ryza Valencia

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,510SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles