Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Calamba Municipal Police Station sa isinagawang tree planting activity sa Mt. Malindag, Calamba, Misamis Occidental nito lamang ika-20 ng Hulyo 2024.

Nakiisa rin ang iba’t ibang Advocacy Support Groups, force multipliers, Sangguniang Kabataan at mga stakeholders.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng Police Community Realations Month 2024.
Sa kabuuan ay daan-daang puno ng kawayan ang naitanim sa naturang lugar.

Isa ito sa bahagi ng Core Values ng Pambansang Pulisya ng Pillipinas na “Makakalikasan” na may layunin na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.