Laguna – Arestado ang CALABARZON Most Wanted Person sa kasong Qualified Rape sa ikinasang joint manhunt operation ng Laguna PNP nito lamang Nobyembre 10, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’John Cris’’, 18, residente ng Biñan City, Laguna.
Naaresto ang suspek bandang 6:20 ng gabi sa Brgy. Tubigan, Binan City, Laguna ng mga operatiba ng Biñan Component City Police Station at RIU-4A PIT Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape na walang kaukulang piyansa.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar, “Makakaasa ang ating mamamayan na patuloy ang mga ganitong operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas. Nagpapasalamat din kami sa ating mga kababayan natin sa Bìñan City sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan na nagresulta sa mabilis na pagkakadakip sa akusado.”
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin