Patuloy pa rin na nakaalerto at nakabantay sa Bagyong Carina at hanging habagat ang mga kapulisan ng Police Regional Office 2 upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng mga mamamayan sa buong lambak ng Cagayan nito lamang Hulyo 23, 2024
Sa pangunguna ni PBGen Christopher C Birung, PRO2 Regional Director, katuwang ang mga Gallant Valley Cops ay maagap na naglunsad ng preventive evacuation sa mga lugar na nasa mataas na panganib partikular na sa mga low-lying areas.
Ito ay upang mailikas at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente sa lugar na maaaring maapektuhan ng Bagyong Carina.

Samantala, suspendido pa rin ang operasyon ng ilang pantalan at paliparan sa rehiyon dos dahil sa epekto ng Bagyong Carina.
Nakaantabay naman ang humigit 1,062 personnel na siyang tatayo bilang Search and Rescue Teams maging ang Reactionary Standby Support Force ng PRO2 sakaling magkaroon ng di-inaasahang sakuna na maaaring idulot ng bagyo.
Kabilang dito, ang mga kapulisan ay aktibo rin sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa Bagyong Carina at habagat upang mapalakas ang kaalaman ng mga tao at hikayatin sila na maghanda at mag-ingat.
Ipinapaalala naman ng PNP sa lahat ng mga kababayan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga direktiba at paalala ng mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
Source: Police Regional Office 2
