Cagayan – Nakiisa ang Cagayano Cops sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Osmundo Mamanao, Chief of Provincial Community Affairs and Development Unit, sa Serbisyo Caravan para sa sugarcane workers na ginanap sa Sto. Domingo, Piat, Cagayan noong ika-9 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Katuwang ng grupo ang Regional Medical Unit 2, Piat Police Station, 1st CPMFC, DOLE, JCI-Tuguegarao Ybanag, Department of Health – Cagayan Valley Medical Center, King Rider’s Club at CARSUMCO.
Umabot sa 685 na manggagawa ang nakatanggap ng Php4,200 mula sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Bukod dito, nagsagawa rin ang grupo ng konsultasyon, pamimigay ng libreng gamot, pagbunot ng ngipin, feeding activity at libreng gupit.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa kasama ang iba’t ibang ahensya at pribadong sektor upang makapagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
Source: Cagayan PPO