Cagayan – Nakiisa ang 2nd Cagayan PMFC sa pamumuno ni PLtCol Darwin John Urani, Force Commander sa 5-Day Youth Camp sa ginanap na Northern Luzon Regional Baptist Camp sa Bukig National Agricultural and Technical School sa Brgy. Bukig, Aparri, Cagayan noong Agosto 7-11, 2023.
Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng mga aktibong myembro ng My Brother’s Keeper Life Coaches (MBK-LC) Cagayan sa pangunguna ni Pastor Remegio Requiso kasama ang iba pang Independent Pastors upang tipunin ang mga kabataan sa isang makabuluhang programa na may layuning maturuan ng mga salita ng Diyos, tamang disiplina, magkaroon ng sportsmanship, camaraderie at friendship.
Tinatayang aabot sa 220 ang mga kalahok na mula pa sa probinsya ng Isabela, Apayao at Cagayan.
llan lamang sa mga naging aktibidad ay ang pagbahagi ng mga salita ng Diyos, obstacles course, drama, indoor at outdoor sports na ikinatuwa ng mga kabataan.
Mayroon din Symposium kung saan naimbitahan ang mga tauhan ng Marine mula sa MBLT-10, kapulisan ng Aparri at 2nd Cagayan PMFC kung saan nagbahagi din sila ng lectures patungkol sa Violence Against Women and their Children (VAWC), Anti-Rape Law, Anti-Illegal drugs at Anti-Terrorism.
Sa panayam kay Pastor Remegio Requiso, inilahad niya na ang inisyatibong ito ay matagal na nilang ginagawa, naudlot lamang dahil sa pandemya at ngayon ay patuloy na gagawin para makatulong sa mga kabataan.
Ang Faith-Based Group at ang ibang ahensya ng gobyerno kasama ang kapulisan ay patuloy na nagkakaisa sa adhikaing ilapit sa relihiyosong gawain, mabigyan ng tamang pagsasanay at sapat na kaalaman sa mga kabataan upang mailayo sa mga krimen at sa banta ng terorista.
Source: 2nd Cagayan PMFC