Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Cagayan Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) ng Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Julio Gorospe, Provincial Director ng Cagayan PPO nito lamang ika-6 ng Oktubre 2023.
Katuwang ang Cagayan Valley Medical Center, Provincial Health Unit, SM City Tuguegarao at iba pang stakeholders mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan na ginanap sa SM City Tuguegarao, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang aktibidad ay may temang “Dugong Magiting, Donate Blood to Save Lives” na isinasagawa apat na beses sa isang taon.
Umabot sa 400 na indibidwal ang nagdonate ng dugo at nakalikom ng may kabuuang 56,250cc na dinala sa CVMC Blood Bank para maibigay sa mga pasyenteng nanganagailangan ng dugo.

Samantala, ang CVMC ay nagpasalamat dahil sa kapit-bisig ang kapulisan at stakeholders sa pagbibigay ng buong suporta para makatulong sa lipunan.
Ayon sa mensahe ni PCol Gorospe, patuloy ang paghihikayat sa mga kapulisan at komunidad na laging makiisa sa ganitong aktibidad na makakatulong na madungtungan ang buhay ng mga nangangailangan.
Source: Cagayan PPO