Inorganisa muli ng Cagayan Police Provincial Office (PPO) ang mga aktibong miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) sa lalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng meeting at election of new officers na ginanap sa Multi-purpose Hall, Camp Tirso H Gador, Cagayan PPO nitong ika-19 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Julio Gorospe Jr., Provincial Director, ang aktibidad na naglalayong muling magtalaga ng mga bagong opisyal ng grupo bilang kinatawan at boses nila at mas patatagin ang ugnayan ng pulisya at kabataan.

Pinasalamatan ng Cagayano Cops ang KKDAT members sapagkat aktibo silang sumusuporta at tumutulong sa lahat ng programa ng pulisya.
Pinuri din ni PCol Gorospe ang mga kabataan sa kanilang pakikiisa at pagsasagawa ng mga aktibidad para sa ikabubuti at kaayusan ng pamayanan na walang inaantay na kapalit.

Dagdag nito, hinikayat din niya ang grupo na ipagpatuloy ang magandang gawain dahil sila ang magiging susunod na lider ng lipunan at mga pag-asa ng bayan.
Patuloy pang papatatagin ng Pambansang Pulisya ang ugnayan sa mga stakeholders at Advocacy Support Groups bilang kaisa at katuwang nila sa pagseserbisyo sa bansa.
Source: Cagayan PPO