Isabela – Naghatid ng saya sa mga bata at mga magulang ang Cagayan Valley Cops sa isinagawang Community Outreach program at Bloodletting activity na ginanap sa Brgy. Hall, Mangga, Quezon, Isabela noong ika-29 ng Enero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Lieutenant Colonel Nelson Vallejo, Acting Chief, Regional Special Training Unit at PMaj Marichelle Dulin ng Regional Medical and Dental Unit at nakilahok naman sina PMaj Sharon Malillin ng Regional Community Affairs Development Division at PMaj Joseph P Curugan, COP, Quezon Police Station na siyang tumalakay hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga bilang suporta sa pagsulong ng BIDA program.
Dumalo din si Pastor Arnold Carlet ng Church of Christ kung saan nagpahayag ng mga salita ng Diyos.
Inumpisahan ang aktibidad sa pamamagitan ng Tree Planting activity na isinagawa sa BISOC Training Camp ng naturang barangay. Sinundan ng Bloodletting activity sa pangunguna ng Cagayan Valley Medical Center na nakapagkolekta ng 54 bags ng dugo at kasabay nito ang Community Outreach program.
Sa pinagsama-samang ambag ng mga BISOC trainees ng SAMBISIG Class-46 ay naipamahagi ang mga school supplies at candies sa mga bata, food packs, mga folding bed para sa mga magulang at may mga ilang tungkod din para sa mga senior citizen.
Nagsagawa din ng libreng gupit, parlor games at feeding program na lalong ikinagalak ng mga residente ng naturang barangay. Makikita ang kasiglahan at saya ng mga residente sa nasabing aktibidad dahil sa mga natanggap mula sa kapulisan.
Layunin ng aktibidad na ito na lalo pang mapalapit ang kapulisan sa puso ng mga mamamayan at makapagbigay tulong at galak sa kanila. Hindi man sobra ang mga binigay sa kanila ngunit hindi matutumbasan ng anumang halaga ng salapi ang panahon at oras na inilaan ng kapulisan para sa mga ito. Ang aktibidad ay isa sa mga paraan ng pagsulong ng kapulisan sa kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Source: RMDU, PRO2
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos