Siniguro ng Cagayan PNP nitong Lunes, Agosto 22, 2022 na handa na ang kanilang hanay at mga kagamitan para sa posibleng pagresponde sa pagsalanta ng Bagyong Florita sa bansa.
Ayon kay Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, masusing sinuri at inihanda na ng Cagayano Cops ang kanilang mga Search, Rescue and Retrieval Equipment bilang paghahanda sa maaaring maging epekto ng bagyo sa lalawigan.
Patuloy din ang isinasagawang Police Information and Continuing Education (PICE) sa mga kapulisan sa buong probinsya tungkol sa Disaster Preparedness.
Tiniyak din ni PCol Sabaldica na nakaalerto na ang kanilang hanay at patuloy ang kanilang ginagawang pagpapatrolya upang mabantayan ang taas ng tubig ng Cagayan River.
Pinapaalalahanan din nila ang mga residente lalo na sa mga nasa mabababang lugar at baybayin na mag-ingat at makinig sa abiso ng mga otoridad.
Source: Cagayan PPO
###