Cagayan – Muling nagsagawa ng Community Outreach Program ang Cagayan PNP kasama ang ibang ahensya ng gobyerno nitong Huwebes, Pebrero 23, 2023 sa Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.
Masaya at buong pasasalamat na tinanggap ng mga benepisyaryo ang 200 rice packs mula sa Police Regional Office 2, 200 grocery packs hatid ng Department of Social Welfare and Development, at iba’t ibang gamot at bitamina mula sa Department of Health.
Maliban dito, nagkaroon din ng Dental Check-up, Tooth Extraction, Feeding Activity, Libreng Gupit, at Blood pressure taking.
Nagbahagi din ng pangkalahatang oryentasyon tungkol sa terorismo ang National Intelligence Coordinating Agency upang maprotektahan at maiiwas ang mga residente mula sa impluwensya ng insurhensiya.
Matatandaan na noong Pebrero 13 taong kasalukuyan ay nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Communist Terrorist Group sa nasabing barangay.
Samantala, sa kanyang mensahe sinabi ni Police Colonel Julio S Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office na ang pagtitipon-tipon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maghatid ng tulong para sa mga nasa laylayan ng pamayanan ay nagpapakita ng pagsusumikap ng gobyerno na maipadama sa lahat ang may puso at pantay-pantay na serbisyo.
Hinikayat din niya ang mga mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan upang tuluyan ng masugpo ang problema sa terorismo na lubhang nakakasira at nakakaapekto sa seguridad at kaayusan sa pamayanan.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Good Job Team PNP Godbless 💕😍