Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Cabangan Municipal Police Station sa pamamagitan ng gift-giving at feeding program para sa mga residente ng Tribong Komunidad sa Sitio Baculi Barangay, Cadmang, Cabangan, Zambales nito lamang Biyernes, ika-20 ng Disyembre, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Captain Simon R Gonzales, Officer-In-Charge ng Cabangan MPS, katuwang ang Eaglewings Brotherhood of Guardians Inc., Foreign National at ng Barangay LGU.

Ang nasabing grupo ay naghatid ng mga free hot meals, candy, biskwit, mga palaro at pamimigay ng mga regalo.
Tampok din sa programa ang mga kampanya ukol sa edukasyon tulad ng SAGIP project laban sa Sekswal na Pang-aabuso, “Isumbong sa Pulis,” BE CAREFUL, Community Anti-Terrorism Awareness, at mga inisyatibo laban sa iligal na droga.
Tinatayang nasa 300 mamamayan ang nahandugan ng tulong.
Isang patunay lamang na ang pamahalaan at ang Pambansang Pulisya ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga programa at aktibidad para sa mga mamamayan lalo na sa mga higit na nangangailangan na hindi gaanong napupuntahan at nabibigyan ng tulong.
Panulat ni Pat Marimar Junio