Nagsagawa ng surprise inspection sa mga bus terminals sa Southern Metro ang PNP sa pangunguna ni PBGen Mark Pespes, Officer-In-Charge ng Southern Police District nito lamang Huwebes, ika-21 ng Disyembre 2023 bilang paghahanda sa Pasko.
Isa sa mga ininspeksyon ni PBGen Pespes ay ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na isa sa pinakamalaking terminal sa Metro Manila kung saan masusi nilang sinuri ang mga security protocol at operational procedures sa nasabing terminal.

Ayon kay PBGen Pespes, kanilang paiigting ang seguridad sa kanilang area of responsibility, at palalawakin ang deployment ng kanyang mga tauhan upang matapos ng payapa ang pagseselebra ng kapaskuhan.
Layunin din nito na magarantiya ang isang maayos at ligtas na paglalakbay ng mga pasahero pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos