Maguindanao del Sur – Nakiisa ang Buluan Municipal Police Station sa isinagawang Brigada Eskwela 2023 sa Datu Luminog Mangelen Pilot Elementary School at Buluan National High School, Poblacion, Buluan, Maguindanao Del Sur noong Agosto 15, 2023.
Pinangunahan ni PLt Cemafranco Cemacio, Chief of Police ng Buluan MPS, ang nasabing pakikiisa katuwang ang mga guro, local government unit, at magulang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan.
Ang isinagawang Brigada Eskwela 2023 sa pamumuno ng Kagawaran ng Edukasyon ay may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan.”
Ang Brigada Eskwela ay isang kampanya ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan ay kapag sasapit na ang pasukan ng mga mag-aaral ay sama-samang pinagtutulungang linisin, at kumpunihin ang mga silid-aralan at iba pang lugar na ginagamit ng mga mag-aaral.
Dagdag pa, ang Brigada Eskwela ay napakalaking tulong sa paghahanda sa nalalapit na pasukan at para na ring mapanatili ang kaayusan ng kagamitan ng paaralan at para ipakita ang pagkakaisa ng pamahalaan at ng komunidad.
Ito ay isang patunay na ang PNP ay handang tumulong sa anumang programa ng pamahalaan lalong-lalo na sa pagpapaigting ng samahan ng PNP at komunidad para makamit ang isang maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia