Bulalacao, Oriental Mindoro – Namigay ng apat na set ng solar lights panel ang mga tauhan ng Bulalacao Municipal Police Station sa Bulalacao, Oriental Mindoro noong Hunyo 17, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Honorato Balinte, Acting Chief of Police ng Bulalacao MPS.
Ayon pa kay PMaj Balinte sinimulan ang pamimigay ng mga solar lights panel sa ganap na 9:00 ng umaga sa komunidad ng Hanunuo Mangyan na matatagpuan sa Sitio Agong, Brgy. San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro.
Ayon pa kay PMaj Balinte nagtulungan ang mga tauhan ng Bulalacao MPS at ilang residente ng Sitio sa paggawa ng mga poste at paglalagay ng solar lights panel sa nasabing lugar.
Labis naman ang pasasalamat ng ating mga kaibigang Mangyan Community sa pamumuno ni Sitio Captain Leido Yamaon dahil sa alternatibong solusyon dala ng solar lights sa bulubunduking bahagi sa kanilang lugar na walang suplay ng kuryente.
Source: Bulalacao MPS
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael Bardiago