Camarines Sur – Nakiisa ang mga tauhan ng Bula PNP sa Blood Donation Activity na ginanap sa Bula Municipal Covered Court, Bula, Camarines Sur nito lamang Disyembre 6, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Bula, Camarines Sur sa pamumuno ni Municipal Mayor Amelita A. Ibasco.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga personahe ng Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company, mga Criminology Intern student ng Pili Capital College Inc. at mga residente ng iba’t ibang Barangay sa Bula, Camarines Sur.

Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng “KAMURAWAYAN 2023” ng bayan ng Bula.
Layunin nito na makalikom ng sapat na supply ng dugo para magamit ng ating mga kababayan na may malubhang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay.

Ang Pambansang Pulisya ay kaisa ng komunidad upang makatulong sa ating mga kababayan at makapaghatid ng iba’t ibang serbisyo publiko na makakatulong sa ating mga kababayan.
Source: Bula MPS CSPPO