Malaybalay City, Bukidnon – Nagsagawa ng Sportsfest 2022 ang Bukidnon Police Provincial Office na may temang “Matalas na Kaisipan at Malusog na Katawan Hatid ay Epektibong Serbisyo sa Pamayanan” sa Camp Captain Ramon M Onahon Ground, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Miyerkules, Hunyo 22, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, kasama ang mga tauhan ng PHQ, NUP, NSUs, Chiefs of Police ng 2 Cities at 20 Municipal Police Stations, 2 Company Commander ng 2 Provincial Mobile Force Company.
Ayon kay PCol Lagare, isinagawa ang seremonya ng pagbubukas ng Bukidnon Police Provincial Office Sports Fest 2022 bandang 7:00 ng umaga sa pamamagitan ng motorcade.
Ayon pa kay PCol Lagare, ang mga tauhan mula sa iba’t ibang opisina ay pinagsama sa tatlong grupo at 11 grupo na kinakatawan ng kani-kanilang muse, at ang mga palarong nasabi sa aktibidad ay ang mga Palarong Nayon tulad ng Sack Race, Tug of War, Walkathon, Tirador at Group Karang-karang Race, basketball, badminton, volleyball, table tennis, chess, lawn tennis, dart, bike at fun run.
Ang pagsasagawa ng PNP Sportsfest ay nagpapakita ng mga talento ng mga tauhan ng PNP kapwa sa pisikal at mental na mga laro, mapanatili ang malusog na katawan at matalas na pag-iisip at palakasin ang kanilang kakayahan sa atleta.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10