Buhat ang Pag-asa: Pulisya at mga residente, sama-samang inilikas ang maysakit na Lola sa liblib na bahagi ng Benguet

0
141

Muling ipinamalas ng mga tauhan ng pambansang pulisya ang kanilang malasakit at dedikasyon sa serbisyo matapos tulungan ang isang 72-anyos na babae na may karamdaman sa liblib na lugar ng Kibungan noong Marso 17, 2026.

Sa pangunguna ni PLt Sandy A. Caoile ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni PLtCol Marvie C. Amilao, Force Commander, nakipagtulungan ang mga tauhan sa mga residente ng Sitio Proper Badeo upang buhatin at mailikas si Gng. Marina Lagitao mula Sitio Tableo. Ang matandang pasyente ay dumaranas ng mild stroke at kinakailangang madala sa mas ligtas na lugar para sa agarang gamutan.

Dahil sa mahirap na daanan at kawalan ng akses para sa ambulansya, sama-samang pinasan ng mga pulis at residente ang pasyente sa mahabang lakaran.

Ang nasabing aksyon ay patunay na ang serbisyo ng pulisya ay hindi nagtatapos sa pagpapatupad ng batas, kundi umaabot din sa makataong pagtulong, na sumasalamin sa diwa ng bayanihan at tunay na malasakit sa komunidad.

Source: Benguet 2nd PMFC

Leave a Reply