Leyte – Inilunsad ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at religious sector ang Simultaneous Nationwide Multi-Sectoral Peace Assembly ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 na ginanap sa PRO 8 Admin Building Grounds, Camp Ruperto K Kangleon, Palo, Leyte nitong Lunes ng umaga, ika-16 ng Oktubre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Atty. Felicisimo A. Embalsado, Regional Election Director ng COMELEC Regional Office 8 bilang Guest of Honor and Speaker kasama ang mga tauhan ng Police Regional Office 8, Local Government Unit, Philippine Army, DepEd, mga religious sector at KABALIKAT CIVICOM, Leyte Chapter.

Tampok sa aktibidad ang Signing of Pledge of Commitment at Symbolic Release of Peace Doves.
Sa mensahe ni Atty. Embalsado, sinabi niya na “Para sa bayan, magkaisa tayo na ipatupad ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) Boto Sagrado Kailagan Erespeto”.
Sinisiguro ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at religious sector na panatilihing payapa at maayos ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.