Pudtol, Apayao – Nagsagawa ng Brigada Pagbasa Project ang Pudtol Municipal Police Station sa Swan National Agricultural and Trade High School, Brgy. Swan, Pudtol nito lamang Hunyo 10, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Marvin Fey-agan, Officer-in-Charge ng Pudtol MPS, binisita ng mga kapulisan ang dalawang paaralan bilang aktibong pagpatupad ng Brigada Pagbasa kung saan tinutulungan ang mga mag-aaral na hirap sa pagbasa.
Maliban dito, tinuturuan din ang mga bata ng edukasyon sa pag-iwas sa krimen at kung paano maging responsableng mamamayan.
Ayon pa kay Police Lieutenant Fey-agan, ang proyektong ito ay ipinapatupad sa buong lalawigan ng Apayao bilang bahagi ng Brigada Eskwela Pagbatayam Project ng Departamento ng Edukasyon.
Dagdag pa ni Police Lieutenant Fey-agan, ang programa ay kaugnay din sa Operation Bisita Eskwela ng Philippine National Police I am STRONG (B.E.S) na naglalayong palakasin ang pagsisikap ng PNP sa pagbuo ng mas malakas na ugnayan ng pulisya at komunidad.
Samantala, hinikayat naman ni Police Lieutenant Fey-agan ang mga estudyante na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, umiwas sa krimen at makiisa sa nga programa ng gobyerno para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang komunidad.
###