Masinloc, Zambales – Isinagawa ang Brigada Eskwela sa pangunguna ng Masinloc PNP na ginanap sa Inhobol Elementary School, Brgy Inhobol Masinloc, Zambales nito lamang Miyerkules, Agosto 10, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Jonathan Bardaje, Acting Chief of Police ng Masinloc Municipal Police Station.
Nakiisa din sa naturang aktibidad ang Advocacy Support Group na Mike Delta Force.
Nanguna sa pagpipintura at paglilinis ng paaralan ang naturang grupo bilang paghahanda sa face to face class.
Samantala, nagpasalamat na man ang mga guro ng Inhobol Elementary School sa lahat ng tulong ng ating pulisya upang mas mapaganda at mapanatiling malinis ang paaralan para sa darating na pasukan.
###