Poblacion, Muntinlupa City — Nagsagawa ng Brigada Eskwela ang mga tauhan ng 1st Mobile Force Company ng RMFB-NCRPO sa Poblacion National High School, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City nito lamang Miyerkules, Agosto 3, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Captain John Lloyd G Bawag, Company Commander, sa pamamagitan ng gabay ni Police Colonel Lambert A Suerte, Force Commander ng RMFB.
Nagkaroon muna ng Kick-Off Ceremony ang naturang programa na may temang “Brigada Eskwela – Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” na pinamunuan ni David T. Libao, School Principal para sa paghahanda ng pagbubukas ng face-to-face classes sa nasabing paaralan.
Magkatuwang sa paglilinis at pagpapaganda ng Poblacion National High School ang mga kawani ng faculty, mga magulang, miyembro ng KKDAT, force multipliers at iba pang stakeholder.
Nilinis nila ang mga silid-aralan, pinulot ang mga basura sa paligid ng bakuran ng paaralan, inayos ang mga upuan, at pasilyo ng paaralan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng PNP at sektor ng Edukasyon upang mabigyang-diin ang sama-samang pagsisikap ng bansa sa pagtataguyod at pagtugon sa mga isyung panlipunan.
Source: RMFB NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos