Pitogo, Bohol – Pinangunahan ng mga tauhan ng President Garcia PNP ang Brigada Eskwela 2022 sa CPG Central Elementary School, Pitogo, Bohol nito lamang ika-4 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay direktang pinangasiwaan ni Police Lieutenant Ernesto P Sagarino, Hepe ng President Garcia Municipal Police Station, katuwang ang mga guro, mag-aaral at ang kanilang mga magulang.
Ang aktibidad ay isinakatuparan bilang pakikiisa sa Kick-off ng Brigada Eskwela 2022 na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-aral” na naglalayon na mabigyan ng ligtas at malinis na paaralan ang mga mag-aaral sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes.
Tinitiyak naman ng Bohol PNP na patuloy silang maglilingkod at magbibigay ng serbisyo sa mamamayan partikular na sa pag-aaral ng mga bata para sa kanilang magandang kinabukasan at makatulong sa pagtupad sa kanilang mga pangarap.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido