Monday, January 20, 2025

Brgy. Kagawad at dalawang iba pa, nahuli sa paglabag sa Omnibus Election Code

Leyte – Huli ang Brgy. Kagawad at dalawang iba pa na lumabag sa Omnibus Election Code sa dalawang magkahiwalay na COMELEC Checkpoints na pinangangasiwaan ng mga tauhan ng PNP sa Calubian Leyte at Gen. MacArthur, Eastern Samar.

Naaresto si Romeo Baillo, Barangay Kagawad ng Aguinaldo, MacArthur, Eastern Samar bandang 7:50 ng umaga noong Lunes ng mga tauhan ng Gen. MacArthur Municipal Police Station at 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company kasama si Greta Inciso Garcia, Election Officer sa pagdadala ng matalim na bagay o mas kilala sa local bilang “dipang”.

Samantala, sina Bryan Boter at Jessie Boy Bordaje, residente ng Brgy. Villalon at Brgy. Kawayanan sa Calubian, Leyte na parehong empleyado ng LGU ay naaresto ng mga tauhan ng 2nd Leyte PMFC, Calubian MPS, Provincial Intelligence Unit – Leyte Police Provincial Office kasama si Joelibeth Maranga-Ong, COMELEC Officer III nitong Miyerkules, Agosto 30, 2023 sa Brgy. Villanueva, Calubian, Leyte.

Alinsunod dito, ang parehong lumabag na sakay ng isang motorsiklo ay na-flag down at nabigong makapagpakita ng driver’s license. Habang binubuksan nila ang kanilang mga bag para ipakita ang mga identification card, nakita ng mga tauhan ng PNP ang mga baril. Nang hiningi ang mga kaukulang dokumento, nabigo ang mga naarestong personalidad na magbigay ng anuman na nag-udyok sa kanilang pag-aresto.

Isinagawa naman ang spot inventory ng mga nakumpiskang baril sa presensya ni Hon. Ricardo M. Rain, Brgy. Chairman ng Brgy. Villanueva, Calubian, Leyte.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Caliber .45 Colt Combat Commander na may kargang pitong mga bala; isa pang 14 na round ng live ammunition; at isang Caliber .38 SAW pistol na kargado ng apat na basyo ng live ammunition.

Ang mga nakumpiskang bladed na armas at baril ay nasa kaukulang disposisyon habang ang mga kasong paglabag sa Omnibus Election Code at Batas Pambansa Blg. 6 na ngayon ang inihain laban sa kanila.

Muling iginiit naman ni Police Brigadier General Vincent S Calanoga, Regional Director, Police Regional Office 8, na lahat ng permit to carry firearms outside of residence ay ikinokonsiderang kanselado maliban sa mga may certificate of authorization mula sa COMELEC.

Tiniyak din niya sa publiko na pinapayagan ang mga pulis na magsagawa ng visual search sa lahat ng sasakyan habang mahigpit na sumusunod sa mga regulasyong ipinapatupad sa mga checkpoint.

“Hindi dapat matakot ang mga motorista dahil sinisiguro lamang natin ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayong panahon ng eleksyon,” dagdag pa ni PBGen Calanoga.

Ang pagkadakip sa mga suspek ay resulta ng pagpupursigi ng PNP na bigyan ng patas at mapayapang halalan ang komunidad.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles