Bulan, Sorsogon – Nagsagawa ng Skills Enhancement Training ang mga personahe ng Sorsogon 2nd Provincial Mobile Force Company sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Fabrica, Bulan, Sorsogon nito lamang Disyembre 29, 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Edmundo A Cerillo Jr., Force Commander, ang nasabing pagtuturo ng Proper Handcuffing at Arresting Techniques sa nasabing grupo.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng IEC materials patungkol sa EO 70 (NTF-ELCAC), Drug Awareness Campaign, Crime Prevention Tips at Gender Based Laws.
Ang nasabing aktibidad ay nakaangkla sa kasalukuyang peace and security framework ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin Jr. na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong makapagbigay ng mga kaalaman sa mga force multiplier ng kapulisan upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Source: Sorsogon 2nd PMFC