Masbate – Nagsagawa ng pagsasanay para sa mga miyembro ng BPATs ang mga tauhan ng Pio V Corpus Municipal Police Station sa Barangay Bunducan at Barangay Tanque, Pio V Corpus, Masbate ngayong araw, Marso 15, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ni PCpt Bonny Abella, Officer-In-Charge ng nasambit na himpilan sa pakikipag-ugnayan sa lokal na opisyales ng nasabing mga barangay.
Kaugnay nito, nagkaroon ng talakayan patungkol sa Crime Prevention at Basic in Arresting Technique na sinundan ng pagsasanay sa mga miyembro ng BPATs ng nasabing barangay.
Tinalakay din ang patungkol sa mga impormasyong naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang ating Force Multipliers bilang First Responders Sa Crime Scene, pag-aresto at ibang tungkulin bilang katuwang ng kapulisan laban Krimininalidad, Droga at Terorismo.
Ito ay naaayon sa kapayapaan at seguridad na balangkas ni CPNP na binansagan na Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran (MKK=K) at ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN (KApulisan, SIMBAhan at pamaYANAN).
Source: Pio V Corpus Mps Masbate PPO