Isinagawa ng Regional Police Community Affairs and Development Unit BAR ang 3-Day Enhancement Seminar para sa Barangay Peacekeeping Action Teams ng limang barangay sa Barangay Malaulanan, Tugunan, SGA BARMM nito lamang ika-22 hanggang 24 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Jaime N Barredo, Chief, RPCADU BAR, ang naturang aktibidad na siya ring naging pangunahing tagapagturo katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection na namahagi naman ng mga kalaaman tungkol sa search and rescue operation, ACTED Philippines, at LGU ng naturang bayan.
Dinaluhan din ng ibang opisyales ng barangay ang naturang aktibidad kasama si Police Lieutenant Romeo Marquez, Special Security Task Group, Major James Carl Teaño, Battalion Executive Officer ng AFP.
Sumailalim sa 2 days lecture ang Barangay Peace Keeping Action Teams ng 5 Barangay na sakop ng Tugunan SGA BARRM, at isang araw naman para sa practical exercises tulad ng 7 strike of arnis at rescue operations.
Bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon, ang bawat miyembro ng BPATs ay tumanggap ng sertipiko at mga kagamitang makatutulong sa kanilang serbisyo sa komunidad.
Ang buong hanay ng PRO BAR partikular ang mga personahe ng RPCADU BAR ay patuloy na maghahatid ng kaalaman, suportahan ang pagsulong sa kapayapaan, labanan ang mga karahasan, at mga inisyatiba sa pagpapanatili at pagkamit ng ligtas at maunlad na Barangay.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya