Pinangunahan ng mga tauhan ng Davao de Oro Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Cesario D Dukiling Jr., Provincial Director ang book donation sa Wisdom School of Jesus, Davao de Oro nito lamang Lunes, Marso 16, 2026.
Ang mga libro ay tinanggap ni Pastor Bernard Joy P Maynopas, Head Pastor ng naturang paaralan, na magbibigay ng dagdag kaalaman para sa mga estudyante.
Layon ng Davao de Oro PNP, na isulong ang edukasyon at palakasin ang pakikipagtulungan sa komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang outreach program tungo sa pagbibigay ng magandang kinabukasan.



