Wednesday, November 27, 2024

“Bonus ko, Handog ko” Project isinagawa ng Antipolo PNP

Antipolo City – Nagsagawa ng “Bonus ko, Handog ko” Project ang Antipolo PNP sa “Kanlungan ni Maria” Home for the Aged, Nayong Silangan Subdivision, Brgy. Dalig, Antipolo City nitong Lunes, ika-5 ng Disyembre 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Antipolo City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Chief of Police, kung saan naglaan ng bahagi ng kanilang pinaghirapang bonus upang ipamahagi sa komunidad bilang paraan ng pasasalamat at upang magbigay ng kagalakan at pag-asa sa mga piling benepisyaryo.

Hindi maipinta ang ngiti at saya sa mukha ng 25 benepisyaryo na lolo at lola matapos mapasaya sa inihandang sayaw at awitin ng grupo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo matapos makatanggap ng mga hygiene kits, cleaning materials (adult diapers, tissues, alcohol, liquid dishwashing, liquid detergent and fabric conditioners), bigas at mga food packs.

Samantala, hinandugan naman ng awitin ng elders ng naturang Home for the Aged ang Antipolo PNP bilang pasasalamat sa maagang regalong natanggap.

Layunin ng aktibidad na maabot at maipadama sa ating mga lolo at lola ang diwa ng Pasko, kasama ang PNP, bilang kanilang pamilya na nagbibigay halaga at pag-asa.

PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles