Agarang rumesponde ang mga kapulisan ng Cebu City matapos makatanggap ng impormasyon patungkol sa isang bomb threat sa Cebu Technological University (CTU) Main Campus, noong ika-21 ng Oktubre 2024.
Batay sa ulat ng pulisya, may nakitang facebook post galing sa isang indibidwal na si “John Steve” na kung saan naglalaman ito ng pagbabanta na mayroong umanong bombang itinanim sa paaralan.
Sa tulong ng mga tauhan ng Police Station 3, Cebu City Police Office sa pangunguna ni Police Major John Lynbert C Yango, Station Commander, katuwang ang RECU 7, K9 ng Cebu City, SWAT, CCPO, CCDRMO, BFP at EMS ng Barangay San Roque, Cebu City, agad na nagsagawa ng pagsusuri sa nasabing unibersidad.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, nagpasya ang CTU-MC Campus Director Ramel Genobiagon na suspendehin ang mga klase at pinayuhan ang mga estudyante at faculty na umalis at huwag munang pumasok sa campus.
Matapos ang masusing imbestigasyon, idineklara ni Police Colonel Antonietto Cañete, City Director ng CCPO na wala namang natagpuang anumang bomba o pampasabog sa nasabing lugar. Gayunpaman, patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nag-post ng banta online.
Samantala, nagkaaroon rin ng bomb threat sa Cebu Institute of Technology – University (CIT-U) makalipas ang ilang minutong pagdeklara na walang nakitang bomba sa CTU main campus. Kaagad itong sinuri ng mga awtoridad at kalaunan idineklara na ang paligid ay negatibo mula sa anumang pagbabanta ng bomba.
Ang agarang pagtugon na ito ng kapulisan ay nagpapakita ng dedikasyon at pagsuporta ng programa ng pamahalaan na palakasin ang seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Source: CCPO SR