Eastern Samar – Malugod na tinanggap ng mga awtoridad ang boluntaryong pagsuko ng isang regular na miyembro ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar noong Oktubre 31, 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Jen”, 30, magsasaka, isang Non-PSR listed at at isang Political Guide ng SDG: Pinya na ngayon ay BUGSOK Platoon” sa ilalim ni alyas “Pol”, Commanding Officer.
Ang kanyang pagsuko ay resulta ng Intelligence and Information Operation (Counter Propaganda) at sa implementasyon ng Executive Order No. 70 (NTF ELCAC) ng mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Marino Azur G Estonio, Force Commander kasama ang Eastern Samar PPO – Provincial Intelligence Unit sa pangunguna ni Police Major Glenn Aculana, Chief PIU at sa tulong ng KASIMBAYANAN, Advocacy Support Group.

Isinuko rin ni alyas “Jen” ang isang Caliber .38 pistol (Smith & Amp; Wesson) with no serial number at 9 na live ammunition ng Caliber .38 at nasa kustodiya na ngayon ng 2nd ESPMFC para sa custodial debriefing at assessment para sa posibleng pagpapatala sa programang E-CLIP.
Mensahe naman ni PLtCol Estonio, “Sa ating mga kapatid na biktima ng ganitong uri ng ideolohiya, ang 2nd ESPMFC ay handang tumulong sa inyo na makabalik sa larangan ng batas at tulungan kayo sa inyong muling pagbabalik sa komunidad. Magtulungan tayo para maihatid natin ang mga programa at serbisyo ng ating gobyerno at mabago ang inyong buhay.”