Taguig City — Inilunsad ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO ang programang Bola Kontra Droga, Kriminalidad at Terorismo” Campaign para sa mga kabataan ng Barangay Napindan, Taguig City nito lamang Sabado, Oktubre 14, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 9th Mobile Force Company sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Lee-Marvin Suaiban, Company Commander, at sa gabay ni Police Colonel Mario Malana, Acting Force Commander ng RMFB.
Tampok sa aktibidad ang palarong Basketball para sa kabataan. Bukod dito, nagsagawa rin ng Feeding Program, lectures patungkol sa KKDAT/Anti-Illegal Drugs at Livelihood Program na naglalayong isulong ang iba pang makabuluhan at praktikal na mga aktibidad na maaaring ibahagi sa pamayanan.

Layunin din nitong itaas ang kamalayan ng bawat isa hinggil sa negatibong epekto ng mga ilegal na droga, at magkaroon ang bawat kabataan ng sportsmanship at maayos na ugnayan sa pagitan ng PNP at komunidad.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos