Leyte – Nagsagawa ang Leyte PNP ng Bloodletting at Community Outreach Activity sa Brgy. Guindapunan, Palo, Leyte noong Martes, Hunyo 14, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga kapulisan ng Leyte Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Edwin C Balles, Provincial Director kasama ang PCADU at Palo MPS at sa pakikipagtulungan ng Sirakwaraynon at Giunhangdan Palo-Liberation Eagles Club sa aktibong suporta at partisipasyon ng BJMP RO VIII, Local Government Unit ng Palo at ng mga Brgy. Officials.
May kabuuang 150 benepisyaryo kabilang ang 11 PWDs ang nakatanggap ng food packs at hygiene kits ng nasabing barangay.
Ang bloodletting activity naman ay pinangasiwaan ng mga tauhan ng Eastern Visayas Medical Center at Philippine Red Cross at nakaipon ng may kabuuang 55 bags ng dugo mula sa mga kwalipikadong donor na gagamitin upang mapunan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa EVMC Blood Bank.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapaabot ang tulong ng Leyte PNP sa mga mamamayan at makapagbigay ng karagdagang supply ng dugo sa nasabing hospital.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez