Bukidnon – Masigasig na nakiisa ang mga tauhan ng PNP Revitalized-Pulis Sa Barangay sa isinagawang Bloodletting Activity sa Covered Court, Brgy. Kulasihan, Lantapan, Bukidnon nito lamang Enero 13, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office katuwang ang Local Government Unit ng Lantapan, Bukidnon.
Ang programa ay may layong matulungan ang mga nangangailangan ng dugo gaya ng mga may karamdamang tulad ng anemia, maging ang mga naaksidente.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na makikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang lalo pang mapaigting at mapalakas ang mga programang makakatulong sa mga taong lubos na nangangailangan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Johmel Tan/RPCADU 10