Taguig City — Nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups at tauhan ng Southern Police District ang isinagawang Bloodletting Activity na ginanap sa SPD Officers Lounge, Fort Bonifacio, Taguig City nito lamang Biyernes, Pebrero 17, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Jenny Tecson, Chief, DCADD at Police Lieutenant Colonel Antonieta Aceret sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Kirby John B Kraft, District Director ng SPD.
Naisakatuparan din ang programa sa pakikipagtulungan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay at Cardinal Santos Medical Center.
Muling magsasagawa ang PNP ng ganitong aktibidad upang makatulong sa mga nangangailangan ng dugo at madugtungan pa ang buhay ng ating mga kababayang nakararanas ng malubhang karamdaman.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos