Oroquieta City – Muling nagsagawa ng bloodletting activity ang Misamis Occidental PNP katuwang ang IPHO Blood Bank sa Patnubay Hall, Camp Naranjo, Lower Lamac, Oroquieta City nito lamang ika-5 ng Disyembre 2023.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Alma Pescador, Deputy Provincial Community Affairs and Development Unit katuwang ang Health Service ng Misamis Occidental PNP sa pangunguna ni Police Lieutenant Florentino Relos at IPHO Blood Bank sa pangunguna naman ni Mr. Jerry Sinconiegue.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Give Blood on Christmas Day” na nilahukan ng mga tauhan mula sa Misamis Occidental PNP.
Patuloy ang pagsasagawa ng mga aktibidad bilang isa sa mga best practices ng Misamis Occidental PNP na tiyak na makatutulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo.