Quezon City – Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang PNP sa pakikipagtulungan sa Philippine Blood Center sa Multi-Purpose Center, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon, noong Hulyo 20, 2023.
Ang Bloodletting Activity ay pinangunahan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) sa pamumuno ni PBGen Lou Evangelista na dinaluhan naman ni PBGen Arnel Amor Libed, Deputy Director, Directorate for Police Community Relations (DPCR) ang kumatawan kay Chief PNP PGen Benjamin C. Acorda Jr., at si Ms. Patricia G. Fernandez, Medical Officer III ng DOH-Philippine Blood Center.
Ang aktibidad ay kaugnay sa selebrasyon ng ika-28th Police Community Relations Month na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”.
Ang Philippine Blood Center ay nakalikom ng 85,950cc na dugo.
Labis naman ang pasasalamat ng PBC sa PNP, na sampung taon na nilang kasangga sa ganitong gawain upang makapagpaabot ng tulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng dugo.
Ang nasabing Bloodletting Activity ay naglalayon na matulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng dugo at upang makapagsalba pa ng buhay at maibsan ang bigat ng alalahanin dulot ng kakulangan ng dugo sa ilang mga ospital.