City of San Fernando, Pampanga – Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang PRO 3 sa Makatao Activity Center, Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga ngayong Hulyo 4, 2022.
Ang nasabing programa ay alinsunod sa Simultaneous Kick-Off Ceremony ng 27th PCR Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel David N Poklay, Regional Community Affairs and Development Division at pinamunuan ni Police Brigadier General Matthew P Baccay,
Ayon kay PCol Poklay, 184 na miyembro ng Police Regional Office 3 na nagmula sa iba’t ibang probinsya ng Central Luzon ang nakapagdonate ng dugo at ibibigay sa Jose B Lingad Hospital.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan para madugtungan ang buhay ng taong nangangailangan ng dugo.
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera