Cagayan de Oro City – Nagsagawa ng bloodletting activity ang mga kasapi ng Police Regional Office 1 na idinaos sa RHQ Covered Court, Camp 1Lt Vicente G Alagar, Cagayan de Oro City nito lamang Martes ng umaga, Nobyembre 21, 2023.
Pinangunahan mismo ni Police Brigadier General Ricardo Layug Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, katuwang ang Northern Mindanao Medical Center (NMMC) ang naturang aktibidad.
Umabot sa 164 blood donors ang nakiisa na malaking tulong sa mga pangangailangang medical at makasalba ng maraming buhay.
Patuloy ang pagsasagawa ng PRO 10 ng mga aktibidad na sumasalamin sa pagiging makatao at pagpapakita ng malasakit sa kapwa.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris